Sunday, September 22, 2019

Pilipinas, Perlas ng Silanganan






Andito ako ngayon upang hikayatin kayo
Na muling buksan ang inyong mga mata at pagmasdan kung paano tayo natuto
Na muling balikan ang nakaraan kung paano nabuo ang pagkatao mo
Kung saan tayo nagmula at kung bakit tayo nandito.

Namangha sa kagandahang binubuo ng libo- libong pulo
Hitik sa yamang hiyas at makikintab na ginto
Iba't ibang tradisyon, kultura, wika at diyalekto
Taglay ng mga katutubong hinati hati at grinupo- grupo.

Hiligaynon, Bicolano, Tagalog at Iloko
Ilan sa mga bumubuo ng wikang Filipino
Wikang nabuo mula pa sa mga pangkat etniko
At ito ang mga wikang katutubo na dapat pahalagahan at hindi ang mga "Oppa, Saranghaeyo!"

Wala namang masama sa mga wikang banyaga
Ngunit bakit parang tayo pa ang tumutulak sa ating sarili upang kalimutan ang sariling wika?
Masaya ka ba? Na ang sarili mong wika'y itinataboy mo na?
At ang katotohanang ikaw ay dugong Pilipino, ito narin ay iyong ikinakahiya.

Isipin ninyo na ako ang Wikang Filipino
At nais ko kayong batiin ng magandang araw sa inyo mahal kong katutubo
Ngayon, may pagkakataon na akong makapagsalita sa harap ninyo
At maraming katanungan ang bumabalot sa isipan ko.

Sa panahon ngayon hindi ko na alam kung sino pa ba ang nakakakilala sa akin o hindi
Dahil hindi ko na alam kung sino ang nagbago o nanatili
Hindi ko na alam kung paano kita makukumbinsi
Na bumalik sa akin at ako'y yakaping muli.

Mahal kong katutubo, bakit mo ito ginagawa sa akin?
Mahirap ba akong mahalin?
Maharil ay hindi mo nakikita ang halaga ko dahil sa iba ka nakatingin
Nakatingin sa bago at uso parang mundo kung ito'y iyong tratuhin

Hindi mo na ba naaalala?
Baybayin at ABaKaDa?
Na sa inyo ay aking ipinamana
Mula pa sa ninuno pa ng iyong ina't ama.

Hindi lang ang isang daan at talumpong wika ang nanganganib pati narin ang ating bansa
Isipin mo naman ako dahil mahal kong katutubo kailangan kita
Kailangan nating tanggalin ang harang na pumapagitan sa ating dalawa
Upang magtapo muli at iligtas ang naaagnas na kultura.

Wikang Filipino sadyang kailangan sa lahat ng pagkakataon
Nagiging mas mabilis ang daan para sa komunikasyon
Nagsisilbing daan din upang dumami ang nga ideya't opinyon
Pinagkakaisa rin ang makasaysayang kultura't tradisyon.

Wala ng ibang magmamahal sa ating sariling wika kundi tayo
Kaya nararapat lamang na payabungin natin ito
Dahil ito ang nagsisilbing tanging yaman ng sambayanang Pilipino
Ang Wikang Filipino. Wika mo. Wika ko.

Kailangang aralin ang sariling wika upang tayong lahat ay magkakaunawaan
Magkakaintindihan ang buong sambayanan
Magkakaisa lahat ng mamamayan
Tungo sa iisang bansa? Pilipinas perlas ng silanganan.

http://kwf.gov.ph/buwan-ng-wikang-pambansa-2019-2/

No comments:

Post a Comment